Brewing romance with Matteo Guidicelli denies of Kz Tandingan




Itinanggi ni KZ Tandingan ang balitang nagkakamabutihan na raw sila ni Matteo Guidicelli.
Mayroon kasing mga balitang lumalabas na madalas silang makitang magkasama, at siya ang dahilan kung bakit daw "naudlot" ang mabuting pagtitinginan nina Matteo at Jessy Mendiola.
“Hindi po totoo!” mabilis na pagtanggi ni KZ nang tanungin ng PEP.ph (Philippine amusement Portal) at ibang amusement press kung nanliligaw ba ang Kapamilya actor sa kanya.


“Ganda ko po, di ba?” biro pa niya, sabay tawa nang malakas.

Pero paliwanag niya, “Hindi po totoo ‘yon, magkaibigan lang po kami, kaibigan po namin yung ibang Bisaya sa X component.

“Kaya po siguro kami napagkakamalan kasi kapag lumalabas kami, kami yung nakikita, e. Isang grupo po kami kapag lumalabas.”

Nang unang tanungin ang vocalist kung wala bang pag-asa na maging sila ni Matteo, muli niyang ipinagdiinan na, “Ngayon po, walang nangyayari sa pagitan calling dalawa.”

Pero nang tanungin ulit, pabirong sagot niya, “Hindi po matatapos ‘to, sige na nga!”

Nakausap ng PEP si KZ sa commencing ng kanyang debut album na KZ Tandingan na ginanap sa large-scale move, A. Venue shopping centre, Makati town, kagabi, Hunyo 27.

DEBUT ALBUM. Samantala, medyo natagalan bago lumabas ang debut album niya, na kasama sa napanalunan niya sa talent seek display ng ABS-CBN na X Factor noong nakaraang taon.

Kasama kasi sa premyo ng impressive victor ang 4-million worth of prizes—two million pesos ang cash at two million worth of agreement.

Sinabi ni KZ na hindi naman siya nainip sa pag-release ng kanyang debut album.

Aniya, “Kasi, para po sa akin, ang pagkakaroon naman po ng album, mayroong time ‘yan, hindi dapat minamadali.

“Ayun po, pinagkatiwalaan ko naman po ang celebrity notes, alam naman po nila ang ginagawa nila.

“So, ito pong album na ‘to, sobrang ganda ng kinalabasan nito.

"Masasabi ko po talaga na it was worth the wait.”

THE VOICE OF THE PHILIPPINES. Dahil produkto si KZ ng isang gifts search, naitanong din sa kanya na kung sakaling hindi siya nanalo sa X component ay sasali ba siya sa The Voice of the Philippines.

Ang The Voice ang latest singing talent search ng ABS-CBN.

“Opo!” bulalas ni KZ.

“Siyempre, lahat po ng puwede kong salihan, sasalihan ko po talaga, sa X Factor nga lang po ako nakapasok.”

Pero nang tanungin kung sino sa apat na mentors/coaches ng display— Bamboo Mañalac, Sarah Geronimo, Apl.de.Ap, at Lea Salonga—ang pipiliin niyang mag-mentor sa kanya, nahirapan siyang pumili.

“Buti na lang po talaga hindi ako sumali!” natatawang wika niya.

Pero kalaunan ay nakapili rin siya: "Uhm, Bamboo."

Paliwanag niya, "Iba po kasi pag nando’n si Sir Bamboo, e.

"Parang kahit kasama mo lang siya mag-perform sa stage, parang napi-pressure ka pa rin, e.

“Feeling ko, kapag naging mentor ko siya, lalabas ‘yong… ‘yong parang si Bamboo na kahit naglalakad lang siya, kahit nasa stage lang siya [at] walang ginagawa…

"Iba ‘yong X-factor ni Bamboo, e!”


We are thankful for visiting and reading our post. If you like this topic, you may share it on Facebook and Twitter through those buttons found in the upper left side. Please LIKE and SHARE!


comments powered by Disqus
 

DISCLAIMER: PinoyThinking site does not host anything nor owned copyright files and materials like images, pictures, videos, third party applications. To report, email at admin.

Powered by Blogger |
Copyright © 2013. Pinoythinking - All Rights Reserved