Disappearance of Jake Vargas dahil nag tampo ky BEa Benini




Naging sentro ng usap-usapan ang napabalita kamakailan na nawala si Jake Vargas for one day na walang nakakaalam kung nasaan siya.
Dahilan ito para mag-alala nang lubos ang kanyang pamilya pati na ang manager at tatay-tatayan niya sa showbiz na si German Moreno.
Marami tuloy ang naintriga kung saan ba siya nagpunta. Naglayas daw ba ang Kapuso juvenile player?
“Hindi po,” nangingiting paglilinaw ni Jake sa PEP.ph (Philippine amusement Portal) at sa iba pang miyembro ng newspapers na nakausap niya matapos ang pilot episode ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, Sunday, June 16.
“Actually po, maghapon lang akong nawala. Kasi pumunta ako sa friends ko. Nag-computer lang kami. Naglaro ng DOTA [Defense of the Ancients online computer game]


“Pinalipas ko lang ang oras ko do'n.

“Pero hindi totoo na tatlong araw akong nawala.”

“LOVER'S QUARREL.” Ang dahilan daw ng maghapon niyang pagpapalipas ng oras sa paglalaro ng computer game kasama ang ilang kaibigan: nagtampo daw siya sa ka-loveteam at rumored woman companion niyang si Bea Binene.

“Slight na tampo lang naman.

“Uhm… may usapan lang na nangyari, tapos hindi pala matutuloy. Parang gano'n,” dagdag ni Jake.

Ano yung usapan iyon nilang dalawa ni Bea na ipinagtampo niya?

“Personal na usapan lang. Like… kunyari manonood ng sine. Yung ganyan na… lalabas kami tapos kakain.

“Gano'n lang. Konting tampo. Hindi naman gaanong malaki.

“Na… nung hindi natuloy, nag-DOTA na lang ako the whole day kasama ko na lang ang mga kaibigan ko,” sabay ngiting sabi pa ni Jake.

Hindi siya ma-contact sa kanyang cellphone. Kaya daw balitang lalong nag-alala ang kanyang pamilya at si Kuya Germs.

“Yung cellphone ko, ginawa kong simple mode. Kaya ayun… walang makatawag sa akin. Na mag-i-enjoy muna ako. Tinanggal ko lang yung pagod ko.

“Nung bumalik ako, sabi ko… nandiyan lang ako sa tabi-tabi.

“Tapos after ng maghapon na kasama ako ng friends ko na nag-DOTA kami, nagpahinga ako ng tatlong araw,” patuloy niya.

REBEL? Dahil sa maghapon na pagkawala niya nang walang paalam sa pamilya niya o kay Kuya Germs, nagkaroon tuloy ng intriga na nagri-rebelde na raw si Jake.

Hindi na raw siya sumusunod sa mga sinasabi at ina-advice sa kanya ng supervisor at tatay-tatayan nga niyang si Kuya Germs?

“Hindi po!” nangiti ulit na pagtanggi niya.

“Hindi po ako sumusuway kay Tatay,” patukoy ni Jake kay Kuya Germs.

NEW woman companion? Natsitsismis siyang may nililigawan o karelasyon nang juvenile player sa ABS-CBN. Hindi pa lang daw niya tinutukoy kung sino pero ito raw ang dahilan kung bakit nagsisimula nang maging pasaway si Jake.

“Hindi po. Wala po akong girlfriend sa kabila.

“Ako po, puro work lang talaga yung ginagawa ko.

“So, para sa pamilya ko lahat ng pagsisikap ko... na makapag-ipun-ipon ako. Para kahit papano, darating ang araw na may naipon akong pera.

“At saka ano lang po… gusto kong magpahinga lang po talaga… pahinga kahit isang araw na… yuong entire day na gusto ko lang matulog nang matulog.

“Okey na yun sa akin. Tapos trabaho na ulit.

“Medyo parang na-burn out lang ako kaya gusto ko ng one day na pahinga from work.

“Pero kapag gano'n, tumatanggal ko kaagad iyon sa isip ko.

“Kasi mahirap na kapag sinabi mong… ayoko ng ganito o parang ayoko nang mag-artista. Kaya binawi ko kaagad sa isip ko. Parang gano'n,” patuloy niyang paliwanag.

BACK TO SCHOOL? Ilang beses na rin daw pumasok sa isip niya na huminto na sa pag-aartista at mag-aral na lang.

“Naiisip ko, parang gusto ko nga muna na tapusin ang pag-aaral ko. Para kahit papano, makapagtapos ako.

“Tapos saka na lang ako babalik sa pagiging artista.

“Pero kaagad kong binabawi 'yon sa sarili ko. Kasi marami po akong tinutulungan. Yung pamilya ko po.

“So, hindi rin ako puwedeng mag-adjust ng araw para mag-aral.

“May plano nga ako na pagsabayin na lang ang pag-aartista at pag-aaral ko. Kung hindi siguro magiging conflict sa working agenda ko.

“Opo. Gustung-gusto ko talagang mag-aral. Kasi sayang po, e.

“Itong school year na ito, school na sana ako.

“Iniisip ko nga ngayon, gusto kong mag-aral ng cooking [Arts].”

Nagpaalam ba siya kay Kuya Germs hinggil dito?

“Ipinaalam ko po sa kanya 'yon. Pero sabi niya… may panahon naman para do'n. Kung talagang wala na akong ginagawa, puwede akong mag-aral,” sabi niya.

Hindi ba puwedeng hilingin niyang i-adjust ang working agenda niya para mabigyang-daan din niya ang kagustuhang makapag-aral nga?

“Hindi, e.

“Kasi gusto ko, isa lang ang paglalaanan ko ng oras. Ayoko nang may iba pang kasabay na pagtutuunan ko ng panahon,” diin niya.

RELATIONSHIP WITH BEA. Ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Bea? Bakit tila may mga lover’s quarrel nang nangyayari sa kanila?

“Super-close associates kami ni Bea. Hanggang do'n lang siguro muna.”

Pero may mga pagkakataon na nakikita silang magka-holding hands?

“Oo nga, e. dahil nga super-close kami ni Bea.

“Kasi loveteam kami, e. Kaya parang normal na lang sa amin yung gano'n.”

Hindi pa ba siya nanliligaw kay Bea?

“Minsan. Tina-try ko.

“Kaso iniisip ko, trabaho pa rin muna. Ganun din naman si Bea.”

Pero kung magkaka-girlfriend siya, gusto niya si Bea?

“Puwede po.

“Puwede pong mangyari 'yon.

“Kung papayag po si… si Tita!” sabay tawa ulit ni Jake na ang tinutukoy ay ang mommy ni Bea.

BREADWINNER? Hindi kaya ang isa rin sa nakakapigil para manligaw siya at magka-girlfriend na ay ang responsibilidad nga niya sa kanyang pamilya bilang baked bread winner?

“Siguro rin po. Ayon nga po siguro,” pag-amin ni Jake.

Hanggang kailan siya magsasakripisyo para sa kanyang pamilya?

“Hangga’t kaya ko po. Hangga’t nandito po ako sa showbiz. Hangga’t kumikita ako ng kaya ko.

“Hindi ako susuko. Susuportahan ko pa rin ang pamilya ko,” diin niya.

Matagal na ring issue ang nababalitang naging reliant na raw talaga sa kanya ang buong pamilya niya; na wala na raw gustong magtrabaho at lahat ay umaasa na lang sa kanya.

“Hindi po totoo 'yon.

“Kasi yung mga Ate ko, may asawa na, e. So, kanya-kanya na sila ng buhay.

“Ang ina-ano ko lang, e yung mga pamangkin ko. Sila po ang sinusuportahan ko ngayon,” panghuling nasabi ni Jake.


We are thankful for visiting and reading our post. If you like this topic, you may share it on Facebook and Twitter through those buttons found in the upper left side. Please LIKE and SHARE!


comments powered by Disqus
 

DISCLAIMER: PinoyThinking site does not host anything nor owned copyright files and materials like images, pictures, videos, third party applications. To report, email at admin.

Powered by Blogger |
Copyright © 2013. Pinoythinking - All Rights Reserved