"Feeling ko may isa pa akong lola" Working with Susan Roces, said Julia Montes




Julia thanks her detractors for inspiring her to impel herself to her bounds. She says, “Actually, thankful din ako sa dun sa mga taong naging part ng buhay ko na nangda-down sa akin. Sila yung mga nagsasabing, 'Hindi mo 'yan kaya, ihinto muna 'yan.' May ganun, may mga nagsasabing, 'Wala kang dating.' May mga nagsasabi na gano'n until sa Mara Clara. Meron pa rin talaga.”


Aminado si Julia Montes na halos isuko na niya ang kanyang pangarap na maging isang sikat na artista matapos niyang mag-graduate sa children's display na Goin’ Bulilit at bago pa man siya nakilala bilang si Clara sa telenovela na Mara Clara noong 2010 kasama si Kathryn Bernardo.

Nagbalik-tanaw si Julia sa kanyang pagsisimula sa showbiz nang makaharap niya ang PEP.ph (Philippine amusement Portal) at ang ilan pang press people sa location fire ng Muling Buksan Ang Puso sa San Juan, Batangas kahapon, June 28.

Ang Muling Buksan Ang Puso ang pinakabagong teleserye na handog ng ABS-CBN na mapapanood sa July at pinagbibidahan din nina Enchong Dee at Enrique Gil.

HUMBLE BEGINNINGS. Panimula ng 18-year-old Kapamilya star, “Totoo po yun. Nangyari talaga 'yan... yung mga utang-utang sa bumbay... 5/6 talaga!

“Actually, nawi-wirduhan nga ako nung mga times na yun kasi sabi ko nga, nung pinapa-stop ako ng lola ko [Flory Hautea], ako naman yung may gusto.

“Kapag tinatanong n'ya ako na, ‘Kaya mo ba? Kaya mo pa ba?’ wala akong maisagot kasi kahit ako sa sarili ko ay wala akong self-assurance.

“Hindi rin ako confident na meron akong gifts. Mahiyain din talaga ako at ngayon lang na-enhance yung hindi ko pagiging mahiyain.

“Dati hindi ko alam kung paano ako haharap sa tao. Hindi ko ma-express ang sarili ko.

“Parang…God-willing na parang Siya ang nagsabi sa akin na i-go ko lang. Kaya, hayun... kahit mahirap, nagtiyaga at lumaban ako.”

Sino ba sa mga artista natin ang naging inspirasyon niya para ipagpatuloy ang kanyang pangarap?

“Actually…” parang nag-isip muna si Julia bago nagpatuloy, “Weird din kasi ako.

“Ano… naka-trabaho ko kasi si Ate Bea [Alonzo]. So, nalaman ko kung paano siya nag-start.

“Nakasama ko siya before sa MMK [Maalala Mo Kaya]— yaya ko siya at alaga niya ako. Tapos, yun, siya ang naging inspirasyon ko.

“Tapos sa boys naman, si Coco [Martin]. Kasi pareho kaming galing sa ibang conduit na pinaggi-gestan [guested] tapos bigla na lang siyang sumikat.


“Sabi ko, ‘Nakakatuwa naman siya.’ Tapos bigla akong nagkaroon ng Mara Clara.

“Sabi ko, ‘Ay, okay. Meron pala talagang miracle.’”

THANKFUL TO HER DETRACTORS. Hindi naging madali para kay Julia ang marating ang kinalalagyan niya ngayon bilang isa sa fast-rising stars ng Kapamilya mesh.

Aniya, “Actually, thankful din ako sa dun sa mga taong naging part ng buhay ko na nangda-down sa akin.

“Sila yung mga nagsasabing, ‘Hindi mo 'yan kaya, ihinto muna 'yan.’ May ganun, may mga nagsasabing, ‘Wala kang dating.’

“May mga nagsasabi na gano'n until sa Mara Clara. Meron pa rin talaga.

“Inspirasyon ko ang family ko. Kasi ako ang tatayo para sa kanila. Ako yung pader. Paran ako yung padre de pamilya.

“Kailangan ako mismo sa sarili ay strong dapat ako. On that part, kailangan matibay ako.

“Kaya, kahit ang dami ko ring pinagtiisan, yung pinagdaanan na hirap, lahat-lahat, it made me stronger.

“Nawala yung pagiging mahina ko,” pag-amin niya.

Sa mga kasabayan ba niya, may naranasan siyang nanghila sa kanya pababa o siniraan siya dahil sa inggit sa kanyang sunud-sunod na proyekto?

Pagtanggi ng Julia, “Wala, wala naman. Kasi alam mo naman kaming mga baguhan, mas engaged kami sa ibang bagay.

“Lahat kami, alam namin na hindi madali ang pagsisimula.

“Pero, may mga taong… kapag off-cam may mga nagku-comment na, ‘Ba't s'ya? Ba't s'ya na naman?’

“Parang tingin sa akin hindi gifted.

“Yun yung aking naririnig. Walang going out with. walang talent. Sabi ko na lang, darating din yung time.

“May ganung component na kahit ginagawa mo na ang lahat ay may naririnig ka pa rin. Pero, naging advantage yun sa akin.

“Kaya thankful ako sa mga nang-bully sa akin,” dagdag pa ng dalaga.

THE LUCK component. Maituturing din niyang suwerte ang isa sa mga dahilan kung bakit maganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

“Yes po,” mapagkumbaba niyang saad.

“Suwerte rin po talaga ako kasi noon, kapag nanonood ako ng mga teleserye noon, ang nasa isip ko, kailan kaya maibibigay 'yan sa akin.

“Kaya masaya ako na every prayer ko ay ibinibigay N'ya sa akin kahit in a distinct way.

“Hindi ko naman pinangarap na maging superstar. Basta sa akin, yung makapag-provide lang [sa family], alright na ako.

“And heto nga, sobra-sobra lang ang dumating sa akin, kaya sobrang thankful din ako.”

employed WITH SUSAN ROCES. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang isa sa mga idolo niya sa showbiz— ang Reyna ng Pelikulang Pilipino, si Susan Roces na nakasama niya sa primetime bida series na Walang Hanggan last year at kasama niya muli dito sa Muling Buksan Ang Puso.

Pagmamalaki niya, “Sobrang tuwa ko nang malaman ko na makakasama ko uli s'ya. Kasi nakikita ko pa rin sa kanya si Lola Henya [character ni Susan sa Walang Hanggan].

“Lagi kaming nagkukuwentuhan, tapos ang hilig pa niyang magdala ng pagkain sa set. Minsan, niloloko siya na, ‘Tita Susan, ano ang dadalhin mo? Parang gano'n.’”

Ano naman ang words of wisdom na naibahagi na sa kanya ng kanyang idolo?

“Ang dami,” pagmamalaki niya. “Kung paano sila nagsimula. Yung love sa work. Yung iba para sa amin na lang. Basta sobrang dami.

“Even sa personal life ko, meron siyang inputs. Coming from Ms. Susan Roces, thankful ako na naka-work ko siya.

“Kung ano siya as Lola Henya sa Walang Hanggan ay para siya rin sa totoong buhay. Actually, hindi kami maka-move on sa Walang Hanggan.

“Hayun. Sana yung pagsasama namin ay masundan pa and more to arrive. Lagi talagang learning know-how para sa akin every time na magkasama kami,” masaya niyang kuwento.

discovering FROM THE VETERANS. Patuloy pa niyang kuwento tungkol sa asawa ng dating monarch of activity Movies na si Fernando Poe Jr., “May time na yun na nakapunta ako sa studio ni FPJ at nando'n siya [Susan].

“Sobra ang tingin ko sa kanya. Sobrang paghanga tapos ngayon katrabaho ko na s'ya.

“Every time na wala ang lola ko sa set, feeling ko may isa pa akong lola sa katauhan ni Lola Henya— si Tita Susan nga. Iba talaga s'ya.

“Actually, kahit sa ibang artista, yung tulad nina Pilar [Pilapil], Ate Agot [Isidro], si Ms. Cherie [Gil]— ang dami mo talagang matututunan. Yung excursions nila sa buhay. Paano nila na-survive

“Hay! Ang sarap talaga nilang kausap. Feeling ko ay mabilis akong nagma-mature because of them,” pagtatapos niyang pagpapasalamat.

Sina Pilar, Cherie at Agot ay mga kasama rin ni Julia sa Muling Buksan Ang Puso.

Julia Montes on employed with Susan Roces: “Feeling ko may isa pa akong lola. Iba talaga s'ya.”


We are thankful for visiting and reading our post. If you like this topic, you may share it on Facebook and Twitter through those buttons found in the upper left side. Please LIKE and SHARE!


comments powered by Disqus
 

DISCLAIMER: PinoyThinking site does not host anything nor owned copyright files and materials like images, pictures, videos, third party applications. To report, email at admin.

Powered by Blogger |
Copyright © 2013. Pinoythinking - All Rights Reserved