Breaking Up of Jake Vargas Admitted of Bea Binene




Marami ang nakakapunang parang nabawasan ang pagiging sugary sa isa’t isa nina Bea Binene at Jake Vargas.
Ayon pa sa usap-usapan, may isang linggo na raw na parang nag-iiwasan ang dalawa at tila may pinagdadaanan.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea sa parking lot ng GMA Network matapos ang Sunday All Stars kahapon, July 28, tinanong namin siya kung okey pa sila ni Jake.


“Wala naman kaming problema, basta okey lang po kami,” sagot ng Kapuso teen player.

Pero marami ang nakakapansin na hindi na sila masyadong adhered ni Jake sa isa’t isa.

Tugon naman ni Bea, “Ngayon lang po. Hindi po, talagang ngayon lang po talaga.”


THE genuine SCORE. Magalaw ang mga mata ni Bea habang sinasabi niyang "okey" sila ni Jake. Hindi siya makatingin sa amin habang sinasabi niyang wala silang problema ng ka-loveteam at rumored beau.

Pilit din ang mga ngiti ni Bea na parang may itinatagong kung ano sa kanila ni Jake.

Kaya diniretso na namin siya na may naulinigan kaming balita na "break na" raw sila ni Jake.

“Sinong nagsabi?” nakangiting balik-tanong niya.

Sa pagkakataong ito ay parang namilipit si Bea na animo’y may gustong sabihin, pero alinlangan siya.

Tanong namin muli: Break na ba sila ni Jake?

“Kaninang umaga!” natatawang pag-amin na ni Bea.

Ito ay sa kabila ng hindi kailanman sila umamin noon sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Bakit sila nag-break?

“Basta, basta!” iwas niya noong una.

“Diyan sa rehearsal,” dagdag pa ni Bea, na ang tinutukoy ay sa studio bago pa sila sumalang sa reside airing ng Sunday All Stars.

Ano ang nangyari? Ano ang dahilan?

“Dahil sa mga bagay-bagay po. Parang there are certain circumstances na kaya gano'n... oo, gano'n!” sabi ng 15-year-old player.

Anong "circumstances"?

“Like... ano... hindi, kasi... I’ll be dependable na we have matters considering his associates.

"So, yun at iba pang bagay.”

Napagod na ba si Bea?

“Hindi po. Actually, it’s us, hindi lang po ako.”

Sino ang nag-initiate ng breakup?

“Hayaan mo na,” iwas ni Bea sa himig na naglalambing. “Basta, kaming dalawa... it’s our decision.”

Matagal na ba nilang napag-uusapan ang posibilidad ng breakup?

“No. Sobrang bilis ng pangyayari and kami… basta, ang bilis ng pangyayari.”

Naging emotional ba sila sa kanilang breakup?

“Hindi naman. Hindi,” sagot ni Bea.

O baka naman hindi pa nagsi-sink in sa kanila ang nangyari?

“Siguro po. Kasi mabilis, e.

"Saka preoccupied ako noong production number namin, e.

"Ewan ko lang po, baka mamaya, tingnan natin, joke!” sabay tawa niya.

Ikatlong break up na raw nila ito ni Jake.

May posibilidad ba na magkabalikan sila?

Sabi ni Bea, “Huwag na lang po natin pangunahan.

"Basta ako, we are still friends.

"Basta kami, hindi pa namin alam ang mga next step.”

Paano kung makipagbalikan sa kanya si Jake?

“Hindi ko alam, pero I’ll inquire for something na mapu-prove ko talaga na puwede uli.”


THIRD PARTY? Isa sa mga naging isyu kina Bea at Jake ay ang pagkaka-link ng Kapuso juvenile actor sa isang Kapamilya juvenile player, kung saan suot-suot pa nito ang relo at shades ni Jake sa isang photograph na nai-post sa Instagram.

Ang naturang shades ay bigay ni Bea na siyang dahilan ng young player para mainis sa kasintahan.

Isa ba ito sa mga tinutukoy niyang isyu nila ni Jake?

“Basta, yung mga associates niya,” sagot ni Bea.

Nabalita rin noon na si Bea ang isa sa mga nag-react sa nabalitang pagba-bar hopping ni Jake kasama ang mga kaibigan nito.

Sa palagay ba ni Bea ay "bad leverage" kay Jake ang mga kaibigan nito?

Ayon kay Bea, “Basta, ayoko nang magsalita. Kasi, baka magalit po sa akin ang mga kaibigan niya.

"Basta, kung saan siya masaya, if he likes to be be with them, if he likes to be with them, if he’s happy to be with them, then proceed!

"Suportahan ko lang siya."

Ano ang naging reaksiyon ni Bea nang nag-break sila ni Jake?

“Siyempre po, nagulat po ako. Siyempre, nalungkot ako.

"Sayang kasi one year and... Ay, huwag na!” pigil ni Bea sa sarili dahil baka mabuko kung kailan sila naging opisyal ang kanilang relasyon.


We are thankful for visiting and reading our post. If you like this topic, you may share it on Facebook and Twitter through those buttons found in the upper left side. Please LIKE and SHARE!


comments powered by Disqus
 

DISCLAIMER: PinoyThinking site does not host anything nor owned copyright files and materials like images, pictures, videos, third party applications. To report, email at admin.

Powered by Blogger |
Copyright © 2013. Pinoythinking - All Rights Reserved