Tagalog Jokes for Dad (Tatay)




Tagalog jokes intended for dad, tatay, ama, whatever you call to your dad. These jokes are for them. Sher this for them to let them know that you care and that you make them laugh and happy for some time before the end of 2013.


* MGA TATAY NA MAYABANG*

TATAY 1: Alam n'yo mga pare, ako ang tunay na natutuwa sa aking panganay na lalake. Nagtapos siya ng Business Administration sa UP at mayroong MBA galing sa UCLA. Ngayon , presidente siya ng isang malaking korporasyon sa NEW YORK. Sa yaman niya at sa sobrang generous, binigyan niya ng isang Mercedes Benz at isang BMW yung isang kaibigan niya.

TATAY 2: Ako naman, mga pare, eh galak na galak sa bunso kung lalake. Nagtapos siya ng Medicine sa UP-PGH at nag-residency sa Sloan Kettering. Ngayon Director for research siya at nanalo pa ng Nobel Prize. Mayaman din siya. Sobrang Yaman! Imagine, mga pare, yung isang kaibigan niya eh binigyan ng apartnent sa 5th Avenue sa Manhattan.

TATAY 3: Ako, mga pare, medyo disappointed dito sa kaisa-isa kong anak na lalaki. Mangyari ay hindi nakatapos ng pag-aaral, bakla pa! Hindi bale na ngang bakla, kung sinu-sino namang lalaki ang kinakasama. 'yung mga gamit niyang kotse na BMW at Mercedes Benz, at yung tinitirhan niyang apartment sa 5th Avenue, bigay lahat iyon ng mga "boyfren" niya.

* TANGANG AMA*

Unang araw ng pasukan sa paaralan. Umuwi si Wally nang tuwang-tuwa. Isinalaysay niya ang mga pangyayari sa unang araw niya sa paaralan.

WALLY: Tay, ang saya-saya sa paaralan! ang dami kong naging kaibigan! Kaso lang, pinagtawanan ako dahil di ko nasagot tanong ng guro namin.

TATAY: Ano ba yung tanong ng guro mo?

WALLY: 1+1 po. Ano po ba ang sagot doon?

TATAY; Lokong bata ito! ang dali-dali ng tanong, di mo pa nasagot! Ang sagot doon ay 3.

WALLY: Ha! Ha! Ha!

TATAY: Bakit ka tumawa?

WALLY: Akala ko po kasi di n'yo alam!


*`AMBISYOSO*

Edison : Mommy kailan po tayo bibili ng yate?

Mommy: malapit na, anak.

Edison: Kailan nga po yun?

Mommy: Pag may sarili na tayong dagat.


* WALANG- WALA *


TEACHER : Tom, may apat akong mansanas. Bawasan mo ng dalawa. Ilan ang natira?

TOM`: Dalawa po.

TEACHER : Very good! Gary, meron akong limang mansanas...kinain ko ang isa. Ilan ang natira?

GARY: Apat po!

TEACHER : Very Good! Anton, Stand Up!, Anton, may tatlo kang mansanas. Inilagay mo yung dalawa sa refrigerator niyo. Ilan nalang ang hawak mong mansanas?

ANTON ; Tatlo pa rin po.

TEACHER : Bakit?

Anton : Wala po kasi kaming refrigerator!


Related Searches: tagalog jokes para sa mga ama, jokes para sa mga tatay, happy father's day quotes and jokes, tatay jokes, ama jokes, dad jokes, best jokes for our father, jokes about father, jokes ng tatay, 2013 jokes for our papa 2013.


We are thankful for visiting and reading our post. If you like this topic, you may share it on Facebook and Twitter through those buttons found in the upper left side. Please LIKE and SHARE!


comments powered by Disqus
 

DISCLAIMER: PinoyThinking site does not host anything nor owned copyright files and materials like images, pictures, videos, third party applications. To report, email at admin.

Powered by Blogger |
Copyright © 2013. Pinoythinking - All Rights Reserved