Just Another Tagalog Jokes for Month of October




This is just another tagalog jokes for this month of October. Officially release from pinoythinking.com for you to read and laugh about that is intended for every Filipino not only in the Philippines but worldwide. Here, you can have this free to share to all of your friends who wants tagalog jokes that are new and not redundant to read about. I hope you can comment below.

* ANG BAIT NAMAN*

LEROY: Lolo, tutulungan ko na po kayong umakyat sa inyong kwarto.

LOLO: Ay, ang bait naman ng apo ko!

LEROY: Matutulog na po ba kayo lolo? Kakantahan ko po kayo at papaypayan para mahimbing po ang tulog niyo.

LOLO: Ang bait-bait naman ng apo ko! salamat apo!

Makalipas ang ilang minuto, nakatulog na si lolo.

BERONG: Lumabas na rin sa silid si Leroy.

HERMIE: Saan ka galing?

LEROY: Sa kwarto ni lolo pinatulog ko!

HERMIE: Ganoon? Ang bait mo naman! Rh ano yang nasa kamay mo?

LEROY: Pustiso ni Lolo.... gagamitin kong pambukas sa walnut na padala ni mommy........he! he!he!he!

* AKO PO AY NANAWAGAN*

Isang lola ang nagpunta sa himpilan ng radyo para ipanawagan ang kanyang anak na matagal ng nawawala.

ANNOUNCER: Lola ilang taon na bang nawala ang anak niyo?

LOLA: Mga 15 taon na, iho.

ANNOUNCER: Ilang taon po siya nung nawala?

LOLA: Walong taon pa lamang siya noon.

ANNOUNCER: Saan po siya nawala?

LOLA: Sa Quiapo, habang nagsisimba kami.

ANNOUNCER: Mayroon po bang palatandaan ang anak ninyo?

LOLA: MAyroon siyang nunal sa kanang bahagi ng kanyang mukha, katulad ng nasa iyo.

ANNOUNCER: Ano po bang pangalan niya?

LOLA: Juan,

ANNOUNCER: Siya po ba ay may balat sa kaliwang braso?

LOLA: Aba, mayroon nga! Paano mo nahulaan?

ANNOUNCER: MAyroon po ba siyang pilat sa ulo?

LOLA: Oo, mayroon! Mayroon! Kilala mo ba ang nawawala kong anak?

ANNOUNCER; LOLA, ako po yung nawawala niyong anak!

LOLA: Juan, ang anak ko!

ANNOUNCER: Inay, Janna na po ang pangalan ko!


*ANG TANGING YAMAN*

Sa isang liblib na probinsya..

PARE: MAre, Ang gaganda naman ng mga bago niyong appliances.Iba na talga pag mayaman.

MARE: Naku, pare, sinwerte lang kami ni PAreng Oka mo.

Pare: Siyanga pala, paano mo pinapaandar 'yang mga yan', eh wala pa naman tayong kuryente?

MARE: Bumili rin kami nga Pareng Oka mo ng genereytor.

Pare: GAnoon ba? NAsaan nga pala si PAreng Oka? Parang kaninina ko pa siya di nakikita ah!

MARE: Nasa likod ng bahay, iniikot yung genereytor para umandar.

* KULAMBO*

NENE: Amboy! Lasing kana naman!

AMBOY: Sorry, honey, nagkatuwaan lang kami nila pare.

NENE: Pumasok kana dito at ayusin mo yung kulambo! Alam mo namang di ako makatulog pag walng kulambo.

AMBOY: Honey, kulang nang tali ang kulambo.

NENE: Problema muna yan! Inaantok n ako eh...

Kinaumagahan......

NENE; Amboy,Anong ginawa mo jan? Huwag mong sabihing buong gabi ka riyang nakatayo?

AMBOY: YEs, Honey. Kasi hindi ako makaalis sa lugar na ito kasi ginamit ko yung belt ko sa isang side ng kulambo. Wala na tuloy pagkakapitan ang pantalon ko..


* BISAYA TWANG*

BISAYA 1: Unsay ibig sabihin ng " coolong place"?

BISAYA 2: Pag-naga ring yung fon, sabihin mo ," Hillow Hus coolong place?"

* CHEMICAL FORMULA*

TEACHER: Ano ang chemical formula ng water?

STUDENT: H,I,J,K,L,M,N,O

TEACHER: Hindi naman yan tinuro ko sa inyo ah!

STUDENT: Di ba sabi nyo H to O....

I hope you enjoy watching our tagalog jokes for this month of October. Till my next release for tagalog jokes this year of 2013.

We are thankful for visiting and reading our post. If you like this topic, you may share it on Facebook and Twitter through those buttons found in the upper left side. Please LIKE and SHARE!


comments powered by Disqus
 

DISCLAIMER: PinoyThinking site does not host anything nor owned copyright files and materials like images, pictures, videos, third party applications. To report, email at admin.

Powered by Blogger |
Copyright © 2013. Pinoythinking - All Rights Reserved